Update on the Philippines Market: Release of the Renewable Portfolio Standard policy and its implications for I-REC(E) issuance

Read more

Update on the Philippines Market: Release of the Renewable Portfolio Standard policy and its implications for I-REC(E) issuance

The Philippines has introduced a Renewable Portfolio Standard (RPS) mandating electricity suppliers to procure an agreed portion of their electricity supply from eligible renewable energy generation sources. The RPS will be tracked using a domestic registry under the purview of the Philippines Electricity Market Corporation (PEMC) pursuant to the Department of Energy Circular No. DOE DC 2019-12-0016 Promulgating the Philippine Renewable Energy Market Rules.

Domestic laws in line with the RPS mandate the registration of all domestic renewable energy projects commissioned during and after 2009, and the corresponding issuance of energy attribute certificates (EACs) for use in the compliance market and the associated registry.

To avoid risks of double counting, the I-REC Standard Foundation (I-REC Standard) will not permit the issuance of new I-REC(E) certificates for projects mandated to participate in the domestic registry and EAC program.

While the I-REC Standard has been active in the Philippines since 2017 and is widely used by end-users in the domestic voluntary market, the introduction of the RPS may have short-term implications on the issuance criteria and available supply of I-REC(E)s generated in the Philippines.

  • Changes to I-REC(E) registration and issuance in the Philippines: The I-REC Standard and its Accredited Issuers will not allow the registration of new projects or the issuance of I-REC(E) for projects that participate in the domestic Philippines Renewable Energy Market System (PREMS), which is the Philippine Registry. Projects that are registered in the PREMS (and those required to do so) will not be eligible to register in the I-REC(E) registry, managed by Evident/I-REC Services, or to issue I-REC(E)s until further notice.
  • Deregistration of RPS-mandated projects: Projects currently registered in the I-REC(E) Evident registry that are required to participate in the PREMS will receive a deregistration notice and will subsequently be deregistered. This includes projects that were registered in Evident prior to the introduction of the Philippines RPS and PREMS, but which are now mandated to participate in it.

The I-REC Standard Foundation is collaborating closely with the national registrar, PEMC, to avoid double issuance between the Evident registry and PREMS. The two organizations are also working together to address the potential undersupply of EACs for voluntary market end-users in the Philippines.

Both PEMC and the I-REC Standard acknowledge the coexistence of the voluntary I-REC(E) market and the compliance RE market. The aforementioned changes to the I-REC Standard’s registration and issuance criteria in the Philippines are being implemented to ensure no double issuance between the domestic compliance registry and I-REC(E).  Opportunities to support data harmonization and potential handshake protocols between the two systems are currently being explored.

The I-REC Standard’s Regional Director for Southeast Asia, Roble P.Velasco-Rosenheim, explains that “While deregistration may initially be disappointing for some Registrants and End-Users currently using I-RECs in the Philippines, we see this as a broader opportunity to ensure high-quality EAC products in line with emerging national regulations. We are working closely with PEMC to ensure-end users can continue to access high-quality clean energy products in this market and are grateful for PEMC’s willingness to collaborate on this ongoing conversation.”

Quote from PEMC President Leonido J. Pulido III: “The development of our compliance RPS market is a big step leap towards generating more clean power at the national level, and we are confident that it will eventually support a range of renewable energy procurement options that meet international buyer criteria. We look forward to further collaboration with the I-REC Standard to ensure no double counting of EACs, as well as to increase options for corporate power buyers in the country.”

The I-REC Standard Foundation looks forward to ongoing collaboration with domestic and international stakeholders and is available to answer further questions on the topic. For questions concerning updated country regulations from the International REC Standard, please contact Roble P. Velasco-Rosenheim at rpvelasc@irecstandard.org. For questions on the Philippines RPS or PREMS, please contact PEMC at reregistrar@wesm.ph.

Paubaya ukol sa Pilipinas: Pagpapatupad ng Renewable Portfolio Standard, at ang kaugnayang implikasyon nito sa paglimbag ng mga I-REC (E) na sertipikasyon

Ang pamahalaan ng Pilipinas ay kamakailang nagtakda ng Renewable Portfolio Standards o (RPS). Inihahayag ng patakarang ito na ang lahat ng nagsusuplay ng kuryente sa Pilipinas ay kinakailangan ng kumuha ng karampatang porsiyento ng kuryente nila mula sa mga sertipikadong prodyuser ng renewable energy o kuryente na hango sa yamang likas, gaya ng araw (solar) o hangin (wind). Ang pagtupad sa mga alinsunod ng RPS ay papangasiwaan ng Philippines Electricity Market Corporation (PEMC) sa pamamagitan ng iisang pambansang rehistro.

Ang mga naunang batas at ang itinakdang RPS ay nagsasabing kailangang nakarehistro ang lahat ng proyekto ng renewable energy na nagsimula ng kanilang operasyon mula taong 2009, mapahanggang ngayon. Ang lahat ng kuryenteng naiprodyus ng mga rehistradong kumpanya ay may katumbas na mga energy attribute certificate o (EAC) na nagsisilbing batayan sa dami ng kuryenteng nailabas ng mga ito, na ginagamit naman sa pagtala ng rehistro, at sa compliance market o kinakailangang irehistro na mga prodyuser na nais bumenta ng renewable energy.

Upang maiwasan ang dobleng pagbilang sa naprodyus ng kuryente, ang I-REC Standard Foundation (I-REC Standard), ay hindi muna magpapahintulot sa ngayon, na bigyan ng panibagong sertipikasyon o I-REC (E) certificate ang lahat ng proyektong nakatalagang lumahok (o nakalipat na) sa pambansang rehistro.

Ang I-REC Standard ay kilala sa Pilipinas mula taong 2017, at malawak ang pagtangkilik nito sa mga prodyuser at mamimili ng renewable energy. Ang pagpapatupad ng patakaran ukol sa RPS ay inaasahang magdudulot ng dalawang epekto sa panandalian. Una, sa batayan ng pagsertipiko ng mga I-REC (E) o issuance criteria, at pangalawa, sa dami mismo ng suplay ng mga mapagbibilhang sertipikong I-REC (E) sa Pilipinas.

  • Babaghuhin ang proseso ng pagrehistro at pagsertipiko ng I-REC (E) sa Pilipinas. Ang I-REC Standard kasama ang mga accredited issuers nito ay hindi magpapahintulot na irehistro ang mga bagong proyekto, kasama ang paglimbag ng panibagong I-REC (E), sa lahat ng kalahok o makikilahok sa lokal na sistema ng Philippine Renewable Energy Market System (PREMS). Lahat ng proyektong nakarehistro sa PREMS (kabilang din ang mga kinakailangan o required na iparehistrong proyekto) ay hindi na maaaring lumahok sa pagrehistro sa talaan ng I-REC (E), na pinapangasiwaan ng kumpanyang Evident/I-REC services, at hindi rin sila maaaring maglimbag ng panibagong I-REC (E) na sertipiko sa ngayon.
  • Deregistration o pagtanggal ng mga proyekto na nakasailalim sa RPS. Lahat ng kasalukuyang proyekto na rehistrado sa I-REC (E) Evident na ngayon ay kinakailangang lumahok sa rehistro ng PREMS ay makatatanggap ng “deregistration notice”, o pasabi na aalisin ng I-REC Standard ang pangalan ng proyekto nila sa talaan nito. Kabilang din dito ang lahat ng proyekto ng renewable energy na kasalukuyang nakatala sa rehistro ng Evident, kahit na nagsimula pa sila ng operasyon bago man nagkaroon ng RPS at PREMS sa Pilipinas, ngunit ngayo’y kinakailangang rumehistro sa RPS at PREMS.

Ang I-REC Standard Foundation ay puspusang nakikipag-ugnayan sa pambansang tagapangasiwa ng pagrehistro– ang PEMC, upang maiwasan ang dobleng paglista ng mga kumpanya sa rehistro ng Evident, lalo na kung ito ay nakarehistro sa kasalukuyan, o nakatakdang sumailalim sa rehistro ng PREMS. Ang Evident at ang PEMC ay magkatuwang na tutuunin ang posibilidad na pansamantalang magkakaroon ng kakulangan sa suplay ng mga EAC sa voluntary market (kusang pagpaparehistro ng isang prodyuser), upang hindi magkaubusan o maabala ang lahat ng kasalukuyang tumatangkilik ng EAC sa voluntary market.

Kapwang kinikilala ng PEMC at ng I-REC Standard na mula ngayon ay magsasabay ang dalawang sistema sa merkado: una, ang voluntary market o kusang  pagrehistro sa I-REC(E), at pangalawa, ang compliance market o isinabatas na rehistro na pinapangasiwaan ng PEMC . Ang mga nabanggit na pagbabago sa pamamalakad ng I-REC Standard ukol sa rehistro nito at sa paglilimbag ng sertipiko para sa renewable energy, ay magaganap sa agarang panahon, upang maiwasan ang pagdoble ng bilang ng kuryente ng mga prodyuser: una, sa panig ng I-REC(E), at pangalawa, sa panig ng PEMC.  Kaakibat ng layuning ito, sinisiyasat din sa ngayon ang iba’t-ibang pamamaraan na mapadali at mapabilis ang pagkumpara ng datos mula sa magkabilang rehistro.

Ipinaliwanag ni Roble, ang kasalukuyang I-REC Standard Regional Director para sa Timog-Silangang Asya, “Pagpasyensyahan po ninyo kung sakaling makatanggap kayo ng abiso ng deregistration mula sa amin. Alam din namin na may maaaring maapektuhan na end user o Mamimili na matagal nang gumagamit ng sertipikasyon mula sa amin. Bagaman nakakapanghinayang na gawin ito, nakikita po namin na sa katagalan, palalakasin nito ang pagtangkilik sa renewable energy sa Pilipinas. Magsisilbing matibay na pundasyon din ito kapag naipatupad ang iba pang napipintuhong mga batas na gagabay sa industriya. Masigasig kami na ipatuloy na pakikipag-ugnayan sa PEMC upang ingatan at paniguruhan na ang lahat ng panig sa usapang ito, ay tuloy-tuloy ang pagtitiwala sa mga produkto ng renewable energy sa Pilipinas. Malaki rin ang pagtanaw namin ng utang na loob sa pagpapaunlak ng PEMC sa aming mga mungkahi sa kanila sa usapang ito.”

Wika naman ng PEMC, Leonido J. Pulido III: “Ang kasalukuyang pagpapalago ng ating compliance RPS market ay isang malaking hakbang tungo sa paghikayat na palawakin ang ating pambansang suplay ng renewable energy. Malakas ang kumpiyansa namin na sa katagalan, ang mga patakaran gaya nito ay maihahabol ang Pilipinas sa antas ng ibang bansa, at madali rin tayong makakaakit ng mga international buyer upang tangkilikin tayo. Umaasa kami na ang aming patuloy na pakikipag-ugnayan sa I-REC Standard, para maiwasan ang pagdoble sa pagbilang ng ating mga EAC, ay makakadulot ng dagdag sa mga pagpipilian sa lahat ng Mamimili ng renewable energy dito sa Pilipinas.”

Ang I-REC Standard Foundation ay patuloy na maghahatid ng payo at mga kasagutan ukol sa paksang ito, para sa lahat ng mga lokal at banyagang kasamahan natin na may karagdagang katanungan. Sa mga nais humingi ng payo ukol sa mga panibagong gabay dulot ng bagong batas, mula sa panig ng International REC Standard, mangyaring magpadala ng inyong katanungan kay Roble P. Velasco-Rosenheim sa e-mail na rpvelasc@irecstandard.org. Para naman sa mga katanungnan ukol sa RPS o sa PREMS sa Pilipinas, maaring makipag-ugnayan kay PEMC sa reregistrar@wesm.ph.

 

 

 

Article Content